goodbye 2008! welcome 2009!
bago magtapos ang taon na ito, gusto ko lang balikan lahat ng nangyari sa akin! sobrang disaster! wakhaha!
Enero
todo aral lang! busy sa paggawa ng thesis. hmpff..
Pebrero
wulang date kahit valentine’s day! syempre LDR eh.. un ang disadvantage! pero masaya kasi kasama ko mga barkada ko eh. As usual, busy ulet sa thesis! kailangan eh! duguan! haha!
At bukod dun, uhm, ang alam ko inaayos ko ang nakuha kong grado na incomplete! iewwww! duh! first time nagkaroon ng genung marka kung saan namang naging senior na! omg! hindi ku makakalimutan kung bakit nagkaganun! dahil un sa isang minor subject, kaw b naman magkaroon ng ka-grupo na wulang ginawa kundi iwanan ka sa ere! hindi ba naman sumipot sa defense namin! presensiya niya na lang ang kailangan, wula pa siya! Anyways, naayos ko naman eh! Un nga lang, nagpaka-plastic ako para sa kanya! hahha!
Marso
ang hihintay namen na matapos na! defense mode na! kamuzta namen! pinaghirapan namin lahat ng un! kaya we deserve what we’ve got! malulupet ang mga panel! sa awa ni GOD, nasagot naman namin lahat ang kanilang pamatay na tanong! mind you, ang daming nainggit sa grupo namin uhh! bukod sa ahemm, “magagaling kuno”, may nabuong pagkakaibigan na nagsilbing motivation namin para ibigay ung “da best namin!” Pero syempre hindi maiiwasan sa grupo ang pagkakaroon ng samaan ng loob, tampuhan at hindi pagkakaunawaan. Pero naayos naman ang lahat! ako na ang mabait! hehhe!^^
Abril
yehey! ang pinakahihintay naming lahat! Graduation na! ang saya! at the same time, malungkot! nakakaiyak nga eh, kahit naman ganun ung mga un, nakakamiss din. Syempre ung mga naging barkada ko doon na kahit papano handa kang suportahan. may kanya-kanya na kaming landas na tinatahak. Hindi ko na nga mahagilap ung mga un eh. HAizzzz! Kung nasaan man kayo mga tolz koh, sana masaya na kayo!
Nagpunta dito sa Manila si ex para pumunta nga sa graduation ko! okay, effort nga un! hindi kasi ganun kadali ang lahat! Pero sobrang complicated ng relasyon namin! whatever!
Mayo
May regalo akong natanggap sa mga magulang ko! dahil daw sa wakas grumaduate na ako! hahha! Trip to Singapore? ayyy! hindi genun! hahha! Pinagbigyan lang ako magbakasyon at magpahinga ng konti bago maghanap ng trabaho. So ayun, umuwe ako sa probinsiya namin! akala ko magiging ukie ako dun! ung tipong todo rest talaga, ung marerefresh utak ku, hindi pala! Ang saklap ng nangyari sa akin doon! Bukod sa mga kagat ng lamok, (type ata ako ng lamok!) ayaw talaga ako tantanan, may remembrance pa ako! mga peklat sa binti ko! iewww! kay tagal kong iningatan tapos genun lang! hahha! laki ng pagsisisi ko!
at hindi lang yun, at that time, my ex and i, we’re trying to work things out, ukies lang naman ang mga second chances eh, kaya lang sa kalagayan namin mukhang mahirap na! nakita ko ba naman ung “babaeng un kasama ni “ex” na naging dahilan ng break up! syempre hindi lang simpleng nakita ko lang……….. basta hindi ko akalain masakit pala un! hahah! dati yun, iba na ngayon!
So, bago sumapit ang kaarawan ko, umuwe na ako agad ng Manila! aba! hindi ko na kaya mag-pretend na “okay” ako! Mega-fly naman ako, ang weird nga eh, kasi hinatid pa ako ni ex sa airport! At eto pa, the night before ako umuwe, nagdrama si ex. todo crayola talaga siya! sana daw bigyan ko pa siya ng chance! nagpapatawa ka ba ex?! ohh well, he deserves to cry! at habang lumilipad ang eroplano, the show was over! hindi ko na kailangan mag-pretend! todo-iyak din ako syempre!… Basta ang alam ko naging masaya ang kaarawan ko! hehhe
June
At dahil nga ang status namin ay “complicated” ito ay tuluyan ng naging “single ako“! hahah! pero siya hindi! sa wakas nagkaroon din ng confirmation, na wula na talaga! ang daming luhang nasayang! well, past is past! masaya siya at masaya ako. un ang mahalaga!
July
Dahil nga broken-hearted ako! pinilit kong maging busy, nag-apply na ako sa maraming company, nandyan na rin ung halos maging yaya ako ng pamangkin ko na si baby sean. Lumalabas din ako kasama ng mga trusted friends ko. Mapalad ako, dahil anjan lagi mga kaibigan ko na todo support talaga at hindi nagsawa makinig sa korning istorya ng buhay ko.
Agosto
Sa dinami-dami kong inaplyan at naging training na sana sa trabaho, lahat yun nag-quit ako. hahha! at kahit ba naramdaman ko ang feeling ng isang rejected, nagpatuloy pa rin ang buhay ko. Hanggang sa tuluyan ng umarangkada ang “career” ko sana! wakhahha! Tanggap na sana ako sa isang malaking company, in fairness, ang hirap din ng pinagdaanan ko dun. Final interview with the Vice-president, na naniwala ata sa mga pinagsasabi ko sa kanya. uhmm, convincing huh! So, ayun! ok na ok ung sahod, above minimum agad! to think na fresh grad ka at wula kahit na anong experience! pinahanda na sa akin lahat ng requirements, kasama dun ang medical exams.. haha! kaboOm! sobrang shocking ng naging resulta! iyak-tawa nga ako nung nalaman ko na may sakit daw ako! At dahil doon, tuluyan ng hindi ako nkapagstart sa trabaho. Gumuho ang lahat na pag-asa na meron ako!
Setyembre
hindi ko alam kung paano ko nasabi sa mga magulang ko pati na sa mga trusted friends ko lahat ng nangyari. Nag-expect na sa akin pamilya ko, lalo na nanay ko! grabeng pain un! na mas gugustuhin mo pang maglaho na parang bula kesa maramdaman ung genung pain! Thank you sa nanay ko na agad namang naunawaan ang lahat. nagpacheck-up ako, sabi nga ng doktor kailangan ko daw magpahinga ng mga ilang buwan hanggang sa gumaling ako! ang dami kong ininom na gamot! unti-unting nawala ang takot ko sa mga doktor! mababait pala sila? hahhaha!
Oktubre/ Nobyembre
Tulad ng sinabi ng doktor, nagpahinga nga ako! lagot nga ako , kasi dapat may appointment pa ako sa kanya. Kaso AYOKO na talaga! haha! Feeling ko naman tumaba na ako eh! hahha! saka vegetarian na ako ngayon! haha! ayun nga, tuluyan na akong naging certified bum! may sapat na dahilan naman di ba? haha!
Eto rin pala ung moment na, nakumbinsi ako ni joycee na gumawa ng blog. dahil sa wulang magawa at wula akong shock absorber, naisip ko na magandang ideya un. haha! kaya ayun, may blog na ako. ansaya di ba? thank you sayo tol..=D
Disyembre
Sa tulong ni GOD, i realized that i am very special. nawalan ako ng pag-asa, pati ng direksiyon sa buhay! naramdaman ko rin ang sinasabi nilang “pag-iisa“. i feel so alone and lonely that i don’t even think ung ibang blessings ni GOD sa akin. Puro na lang sarili ko ang inintindi ko, as if genun kalaki ung problemang kinakaharap ko. Mapalad pa pala ako!
Sinubukan ko ulit maniwala sa sarili ko kasi yun ang gusto rin ni GOD, dahil un din ang nararapat dahil kung hindi sa basurahan ako pupulutin. waaahhh! Nag-apply ako ulet (na naman!), naisip ko lahat naman ng tao dumadaan sa rejection eh. Kumbaga sanayan lang yan eh! hahha! haiz! kailangan din buo ang loob at may guts ka talaga! ang kapal nga ng mukha ko, malaking company rin ung inaplayan ko.. hahha! sabi ni mam abbie for requirements na daw ako. May trauma na ata ako, hahha! tae talaga, baka may medical exam na naman dun! kamuzta naman yun! hahha! Gudluck na lang sa akin at bahala na si GOD.
Andaming nangyari sa buhay ko. Napakahalaga talaga ng oras at panahon! Kung napag-iwanan man ako ng mundo, okay lang! andame kong natutunan. Sa pagtatapos ng taon, nagpapasalamat pa rin ako dahil buhay pa ko! Ang mga aral sa buhay ay nasa tabi-tabi lang. Depende sayo kung gusto mu matuto. Kung nagkamali man ako, ang mahalaga may natutunan ako! Sana sa susunod na taon, magsilbing aral o inspirasyon ang nangyari sa akin ngayong taon. Kapag naging weak ka, mas mararamdaman mo na strong ka. Salamat kay GOD, sa family ko at sa mga trusted friends ko sa wulang humpay na suporta. Kahit wula akong love life, buhay naman ako huh! hindi tumigil ang ikot ng mundo! mahal ko naman sarili ko! hahaha!
Peace, prosperity, good health and love life? para sa susunod na taon! hahha! Manigong Bagong Taon! sisimulan ko ang taon ng maraming pag-asa, pagmamahal sa kapwa at tiwala sa sarili! Kakalimutan ko na rin ang mga “pangit na experience” ko ngayong 2008. Lahat naman nangyari dahil may reason. Kung anu man un, ang mahalaga natuto ako bumangon at lumaban ulet sa malupet na tadhana.
HAPPY NEW YEAR EVERYBODY! BE HAPPY!=D *wink!
