Hayy nakuw! Kung hindi lang ako nahihiya kay Joycee, hindi ko talaga gagawin ‘tong tag na eto. Nakakatamad kasi.. Nykhaha!

Pero dahil nga sobrang dami niya nang tag na hindi ko nagagawa, babawi ako ngayon. (kunyari na-guilty daw ako!) hahha! Isipin mo hindi ako pumuntang binyagan para lang magawa ‘tong tag. tzzk tzzk! may bago na naman akong inaanak. Malas lang nila.. wakoko.

anyway, anyway..

eto ngayon ang simpleng rules..

“List the names that you are called by and name the people who call you by these names.”

ohh dba! simple? nykhhahaa! ohh sya sya! eto na nga. gagawin ko na! Para naman kahit papano matuwa sa akin si Joycee.. Please allow me to say Thank you again to ms. Joycee for making my blog possible! ( sa globe possible!) nykhahha!

sisimulan ko na.. Dami ko kasi talagang nick names eh, pero dahil mahal ko ang sarili ko iisa-isahin ko.. hahha

JEAN

iwww! nakokornihan talaga ako sa name na yan! ewan ko ba, mali na nga spelling ng tot00 kong pangalan, pati ba naman pagbanggit ng palayaw ko parang mali din. Instead na jen, naging jean ata! hahha! Kasalanan ko bang maging bisaya ang nanay at tatay ko? hahhak! Usually, pag tinawag mo kong “Jean”, kapamilya ko yan! kasama na dun, ang mga kamag-anak, pamangkin at ang mga ninuno namin. nykhaha!

‘nga pala, tawag din yan sa akin ni “honkoe!” pero dahil pinatunayan niya na hindi siya deserving ng “pagmamahal ko“, ex ko na siya ngayon! hahha! “mahal q” ang tawag niya sa akin kapag naglalambing. In fairness, may ginawa pa syang song na “Jean” ang title. Pero hindi ako kinilig. Masama ba magsinungaling? huh?

In addition to that, tawag din yan sa kin ni “kilay”, dati kong suitor , na love at first sight ata sakin! Na hanggang ngayon ay dinadalangin ko na ligawan niya ko ulet. Nagkamali pa kasi ako ng napili. Sana si suitor na lang pala instead of honkoe! nykahha!

BORJ/ BORJA INC.

Dahil ang surname ko ay Borja, naisipan ng mga hayskul friends ko na tawagin ako sa ganyang pangalan. Uso ang pagbu-burn ng CD noon, kaya naisipan kong magtayo ng negosyo sa skul, negosyante ako eh! Ilista mo lang lahat ng gusto mong songs at ako na ang bahala mag-burn. Kumita ako ng malaki doon huh! At dahil dun, binansagan nila kong BORJA INC. Oh dba, feeling ko may sarili na akong kumpanya. nyakhahha! May mga college friends din ako na tinatawag ako sa BORJ, mas astig kaya yun, hindi pa pa-sweet!

JHENG

Dahil nga nung hayskul, uso ang may H sa pangalan, naisip ng mga besfrends ko na Jheng ang itawag saken. Sila Mane, Zac at Lenztot ang madalas tumawag sa akin nyan. Tatlo lang talaga sila. Kasi sila talaga nakaimbento ng pangalan na yan. Ayoko rin ng name na jheng. nykhaha

JEN/ JENH

Nung college na ako, hindi ko maiwasan ang magpa-gurl at maging pa-sweet! At dahil mga mababait at magaganda kami, naisip ko mas maganda banggitin ang jen kesa naman jean dba! hahha..

Kaya pag tinawag mo kong jen, mahal mo kong kaibigan! Dahil ayokong tinatawag ako sa jean o di kaya’y sa real name ko na JENIFFER.. iwwwi

Jenh ang tawag sa akin ng mga thesis group ko, dalawa kasi kaming “jen” sa grupo, kaya naisip nila na jenhh ang itawag sa akin. Ibig sabihin mas mahaba ung pronunciation ng “jenh’! nykhhha! kanya-knyang teorya lang kasi yun!J

JENIFFER

pag tinawag mo ko sa ganyang pangalan, alam ko hindi pa tayo close! oh di kaya bago kitang kakilala. Naalala ko nung college ako, tinawag ako ng isa kong clasmeyt sa buong panglan ko. As in JENIFFER BORJA, langya! eh nasa campus kaya kami. Bilang mabait na kaklase, hindi ko siya pinansin! Dedma lang! baket ba. Woist! Magno, tanda ko pa yun nuh! Buti na lang hindi siya nagalit. haha

JiNIPPER/ Jinippir

Tuwing umaga, ang ingay-ingay ng nanay ko, yan lagi naririnig ko sa knya tuwing gigisingin niya ako para pumasok na. At sympre yan din tawag niya sa akin kapag galit na sya. hahha! minsan imbes na mainis ako sa pagtawag niya sa akin, natatawa na lang ako! baket ba kapag bisaya ka, nagiging “I” ang dapat “E”. nykaahahha! No offense meant, naaaliw lang talaga ako kapag binabanggit ng nanay at tatay ko ang mahiwaga kong pangalan. hahha

Bistek/ Harlene

Si Ruby,(College buddy namen yun ni JoycEE.) ang madalas kong maalala sa pangalan na yan.   Kapag inaasar niya ako yan lagi ang sinasabi niya. Hawig ko daw si bIstek eh, kilala mo ba sya? hahha! si Herbert Bautista! Linsyak talaga yung babae na yun nuh! Buti na lang may kapatid si Herbert na babae, kaya minsan kapag nasa mall kami, lagi niya sinisigaw ang pangalan na bistek o harlene.

Sa trabaho ko ngayon, genun din. Ung iba kong ofizmate, tinatawag nila akong harlene o bistek para asarin ako. As if, naazar ako! mas maganda kaya ako dun. Kapal nuh! nykhaha

anu na kaya next name na itatawag sa akin? hmpff.. Tatawagin kaya akong bebe ng next boyfie ko?nykhaha! duh! ayoko! E-pal lang ako! Wula akong pagpapasahan ng tag na ‘to. Kasi wula akong mapagpasahan. haha!”

“SPecial Mention”

JERBAOX

name yan ng blog ko dito sa wordpress pati na ng fs ko. Marami nagtatanong baket nga ba JERBAOX? sa Totoo lang hindi ko rin alam. Bzta sinasabi ko ang jerbaox kapag  najejebz naiiniz na ako! Clue: Masarap banggitin ang “jerbaox” kapag badtrip ka! YUN NA! hahha! Ang JERBAOX ay hango rin sa salitang latin na ang ibig sabihin ay jerber o mas kilala sa pagkain na burger. joke lang! Ahhh ewan! Teorya ko lang ang lahat. nykhahha!