” when is the right time to say it’s over?”

“is happiness really your choice?”

“accepting means facing the consequences?” how true?

Ooopsss! teka lang! hindi po tungkol sa love ang topic ko. lagi ko lang talaga naiisip ang mga katanungan na yan pagdating sa ibang bagay. Hayzz.. Call me so mababaw!

Kelan nga ba ang tamang panahon o ang tamang dahilan para lang i-give up ang mga bagay-bagay na matagal mo nang inaasam? Sapat na ba ang lahat ng sakripisyo na ginawa mo?

Paano kung sa kabila ng ginawa mong sakripisyo ay hindi pa rin sapat para sa ikaliligaya ng iba? Dapat pa ba silang isipin? Hindi pa pwede isipin ang iyong sarili bago ang iba? hhahah! i don’t want to sound selfish!

Sabi nila, kahit gaano kasama o ka- tragic ang nangyari sa buhay mo, kaya mo pa rin maging masaya. Nasa perception lang ba ng tao ang pagiging masaya?

Pero bakit, uhmm.. nahihirapan pa rin akong maging masaya? kahit anong pilit ko, hindi ko ata kaya. Hindi ako emo huh.. Naguguluhan lang talaga ako sa mga pangyayari.

Eto ang kuwento ko……. ang mga reklamo sa buhay ko..,

ang paghahanap-buhay,  to be exact!

Baliw na nga ba ako? Andami kong naiisip na hindi dapat gawin ? This is not really me! Bakit sadyang mahirap kalabanin ang sarili mo? Baket mahirap magsinungaling sa sarili at itago ang totong nararamdaman?

Hindi ba pwedeng happy na lang lagi? Bakit kelangan maraming maapektuhan kapag “moment of truth” na at kailangan mo nang gumawa ng sarili mong decision?

Bakit ang hirap maging masaya sa bagay na ayaw mong gawin? Sabi nila mahalin mo lang ang ginagawa mo at mamahalin ka rin nito. nampotchi naman ohhh.. hahha! Easier said than done! Pero hindi lahat ng bagay madaling intindihin at hindi lahat ng bagay madaling mahalin! Kapag tinanggap mo na ang lahat ng responsibilidad na meron ka, magiging masaya kaya ang buhay? o lalo lang pampagulo sa buhay yun! waaaaahhh! i hate responsibilities!

Hindi ko kaya lahat ng trabaho ko, habang tumatagal lalo ko lang nararamdaman na hindi sapat ang skills na meron ako,(kung meron man!) Pakiramdam ko, isa akong manggang hilaw. Hahahha! Hindi pa ako hinog, hindi pa ako molded para ipagkatiwala ang mga trabahong iniatang saken. Lagi na lang ako, ako, at ako ang nakikita! Pasaway nga ba ako? i feel like i’m giving my best, pero hindi ata sapat yun. Lagi na lang akong kinukumpara sa iba. Maganda naman ako huh? hahha!

Lecheee! Isa lang masasabi ko, Konting tiyaga lang at konting panahon! Darating din ang moment at proud kong sasabihin na “tama na, ayoko nang magtrabaho!”

Pero utang na loob jerbaox, wak ngayon!

nyakhahhah! Bilog ang mundo! Lahat pwede mangyari. At sa bawat pangyayari na yun, sana kaya kong sumabay at makisabay. At higit sa lahat, sana kaya kong tanggapin! sana!

=The end =

( magulo kasi utak ko, jurassic!)

P.S

I would like to say thanks to Ems (feeling close), for giving me the sisterhood award. I truly deserve it.. hehhe.. Seryoso, Many thanks talaga, kasi kahit hinde ako active, naalala mo ko! Kaiyak naman.. namiss ko kayo..

Hi to Joycee, Heleyna and Neto.. Pansinin niyo naman ako. Hahah.

Tol, marami pa tayong dapat pag-usapan. hahah!